Recent Posts

Breaking News

Vivian kay Jaclyn: Mag-mature ka muna bago makipag-usap

Tila hindi kumbinsido si Vivian Velez sa paghingi ng tawad sa kanya ng kanyang kapwa aktres na si Jaclyn Jose.

Nitong Lunes kasi ay pinaulanan ng huli ang nauna ng maaanghang na salita sa post nito kaugnay sa eskandalong kumalat tungkol kay Pinky Amador.

Pero binawi naman ni Jaclyn ang mga nabitawan nitong salita laban kay Vivian at humingi ng paumanhin.

Ngunit ayon kay Vivian, pakiramdam niya ay hindi taos-puso ang paghingi nito ng tawad sa kanya.

“Yesterday, Jacklyn Jose posted on her Instagram account a half hearted apology addressed to me, which earned positive reactions from her followers. I can’t blame them, they don’t know her like I do. Yes, my relationship with her and her family goes a long way back. We have a history,” ani Velez.

“I thought about this response a lot. I gave it time more than I should, actually, considering how busy I am. I put a lot of considerations into this because people might take it the wrong way and I may appear to be the antagonist more than the victim of the circumstance, given that I was the one who was on the recieving end of Jacklyn Jose’s impropriety.”

“Next time you want to have a discussion, develop maturity first before you try to initiate an exchange,” payo pa ni Vivian kay Jaclyn.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/vivian-kay-jaclyn-mag-mature-ka-muna-bago-makipag-usap/)

Walang komento