Recent Posts

Breaking News

Vice Ganda nagmamakaawa na

Muling kumatok sa puso ng madla si Kapamilya star Vice Ganda kaugnay sa ABS-CBN shutdown.

“Kailangan namin ang suporta ninyo mga Kapamilya. Wag nating hayaang magdusa ang mga pamilya ng mga tuluyang mawawalan ng trabaho,” sey niya sa Twitter kagabi.

Nilakip din niya ang pahayag ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak nang tanungin sa House hearing kung kumusta na ang mga empleyado mula noong Mayo 5, kung kailan pinatigil sa pag-ere ang broadcast giant, hanggang ngayong patapos na ang Hunyo.

“Hirap na hirap po ang mga empleyado namin. Unang-una, sa panahon po ng pandemya ay mahirap talaga makahanap ng panibagong trabaho,” bigkas ni Katigbak.

“If you are retrenched and laid off, you will have to deal with fear and uncertainty of not knowing how you will continue to provide for your family,” dagdag pa niya.

Una nang sinabi ng network executive na kung magtatagal pa ang shutdown ay hindi malayong hindi kayanin ng TV network ang pagkalugi at kailanganin nang magbawas ng tao.

Aabot umano sa P35 milyon kada araw ang nawawala ngayon sa ABS-CBN ngayong wala sila sa telebisyon at radyo.

Tigil ang operasyon ng nasabing network matapos na maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission laban sa network.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/vice-ganda-nagmamakaawa-na/)

Walang komento