Recent Posts

Breaking News

Vic nireto si Vico kay Mayor Donya

Matagal nang nili-link si San Manuel, Tarlac, Mayor Donya Tesoro kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Paano ba naman kasi ay sila na ata ang pinaka-perfect couple sa local politics, na bukod sa maganda’t pogi ay pinupuri din sa pagsisilbi sa kanilang mga nasasakupan.

At sa ‘Bawal Judgmental’ segment ng Eat Bulaga nitong Sabado, nakausap na ni Mayor Donya ang tatay ni Vico na si Vic Sotto.

Unang inungkat nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros ang love life ng alkalde, na sinabing wala siyang panahon ngayon para sa pag-ibig.

Binigay naman nito ang kanyang tipo sa isang lalaki, na hindi babaero, naiintindihan ang kanyang trabaho, at maka-Diyos.

Samantala, biglang pasok naman si Jose kung ano ang gustong meryenda ni Mayor Donya, na nais ilusot ang pangalan ni Vico.

Nang mainip na si ‘Bossing’ Vic ay siya na ang nag-open up kay Vico para kay Donya.

“May nanliligaw ba sa inyo ngayon?”tanong ni Bossing kay Donya.

“Hi Bossing! Parang wala. Parang ayaw naman nila sa akin,” tugon naman ng magandang alkalde.

Dito na pabirong kinuha ni Vic ang kanyang cellphone at pabirong tinawagan si Vico.

“Hello Vico! Hello? Diniretso ko na,” sey ni Vic.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/vic-nireto-si-vico-kay-mayor-donya/)

Walang komento