Recent Posts

Breaking News

Tumakas sa quarantine! OFW na nagpositibo sa COVID, gumala sa Aklan

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang lumabag sa mandatory home quarantine matapos itong lumabas ng kanilang tahanan at nakapunta pa sa dalawang bayan sa Aklan.

Ayon sa Provincial Health Office, matapos kuhanan ng sample ang OFW na mula sa Germany ay kanila itong pinauwi para sumalang sa 14-day mandatory quarantine.

Ngunit bago pa man matapos ang quarantine period ay nagbiyahe na ito sa mga bayan ng Lezo at Numancia sa Aklan, na kalaunan ay nagpositibo sa virus ang OFW.

Dahil dito, nagsimula na ang contact tracing sa mga nasabing bayan para malaman kung sino-sino ang mga nakasalumuha ng OFW.

Nadala na sa Aklan Provincial Hospital ang OFW para gamutin sa COVID-19.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/tumakas-sa-quarantine-ofw-na-nagpositibo-sa-covid-gumala-sa-aklan/)

Walang komento