Recent Posts

Breaking News

Tuloy ang imbestigasyon kay Mayor Zamora

Tinanggap ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paghingi ng tawad ni San Juan City Mayor Francis Zamora subalit magtutuloy pa rin ang imbestigasyon.

Ayon kay Magalong naapektuhan ang kaligtasan ng mga residente sa Baguio sa violation na ginawa ni Zamora at nang kanyang 6-vehicle convoy kaya tuloy ang pag-imbestiga sa kanila.

Dumaan sina Zamora sa checkpoint bandang Kennon Road noong Biyernes ng hapon pero hindi sila huminto para sa mandatory medical examinations.

Sinundan ng mga bataan ni Magalong sina Zamora at mga kasamahan nito hanggang sa Baguio Country Club na kanilang pinuntahan.

Nasa Manila si Magalong noong maganap ang insidente.

Umabot na sa 36 ang confirmed COVID-19 cases sa Baguio, karamihan ay nakuha sa labas ng City.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/tuloy-ang-imbestigasyon-kay-mayor-zamora/)

Walang komento