Recent Posts

Breaking News

Tricycle driver na tulak, laglag sa buy-bust

Laglag sa buy-bust operation ang isang tricycle driver na suma-sideline sa pagbebetanta ng shabu sa Caloocan City.

Sa report ng Northern Police District (NPD), kinilala ang nasakoteng suspek na si Marvin Buenaflor, alyas “Boteng,” 49, binata, naninirahan sa No. 631 Benita Street, Barangay 198, Tondo Manila.

Kwento nina Pat. Noel Sison at Pcpl.Allan Badua ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng NPD, dakong 2:35 ng madaling araw nagkasa sila ng buy-bust operation sa kahabaan ng 4th Avenue , Barangay 49, Caloocan City.

Si Pat. Sison ang nagkunwaring poseur buyer at umiskor ng P1,000 halaga ng shabu.

Matapos ang abutan, dinamba na ni Pcpl. Badua si Buenaflor at nang kapkapan, nakuha pa sa kanya ang walong (8) pirasong plastic sachet na may lamang ilegal na droga na may timbang na walong gramo at may may market value na P272,000.00.

Kinasuhan ng Violation of Sec. 5 and Sec 11 of R.A. 9165 ang suspek at walang piyansang inirekomenda ang piskalya.

“Taga-Tondo itong suspek, dunadayo pa ng Caloocan para magtulak ng droga,” sabi ni Pcpl. Badua.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/tricycle-driver-na-tulak-laglag-sa-buy-bust/)

Walang komento