Recent Posts

Breaking News

Tourist police ire-reactivate

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa si PNP Directorate for Operations director Police Major Gen. Emmanuel Licup na i-reactivate ang tourist police sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay Gamboa, kailangan ng presensya ng tourist police para ipatupad ang health protocols sa mga tourist destinations na binuksan sa ilalim ng MGCQ.

Inatasan din ni Gamboa ang mga Police Regional directors na buhayin ang kanilang mga tourist police assistance desks.

“The PNP’s tourist police units must be present at all times to implement health protocols in tourist destinations that are now under Modified General Community Quarantine (MGCQ). I ordered the PNP Regional Directors to activate their tourist police and assistance desks to ensure that local tourists will strictly follow health protocols based on the existing guidelines by the Inter-Agency Task-Force (IATF),” pahayag ni Gamboa sa kanyang statement.

Ito’y matapos pahintulutan ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang domestic tourism sa mga lugar na nasa MGCQ sa kondisyon na mahigpit na ipatutupad ang health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Bukod sa pagpapatupad ng health protocols, ang tourist police ay magbibigay ng karagdagang seguridad sa mga local tourists at mga estabisamyento.

“We all know that many areas have eased into MGCQ and may now resume domestic tourism operations. The PNP is prepared to provide support to LGU’s who may have difficulty monitoring and ensuring the strict compliance of tourists.,” dagdag ni Gamboa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/tourist-police-ire-reactivate/)

Walang komento