Recent Posts

Breaking News

Tablado si Roque: UP tama hula – Nato

Pinabulaanan ni BAYAN secretary-general Renato Reyes Jr. ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi umabot sa 40,000 ang COVID-19 cases sa bansa.

Kahapon, Hunyo 29, sinabi ni Roque na “We defied what was predicted by the UP study. We have limited the cases to 35,000.”

Matatandaang hinamon niya ang publiko noong nakalipas na linggo na huwag hayaang magkatotoo ang prediksiyon ng UP experts na aabot ng 40,000 ang mga virus case pagsapit ng Hunyo 30.

Pero ngayong araw, pinakita ni Reyes ang COVID-19 Philippine Situationer #063 para sa Hunyo 29, 2020.

“TAMA ANG UP. Umabot na tayo sa lagpas 40k na kaso ng COVID 19 sa pagtatapos ng Hunyo. Umabot na sa 46,272 ang individuals who tested positive for COVID19,” banggit ng BAYAN official sa Twitter ngayong umaga.

“Mabagal lang ang validation kaya 35,455 lang ang confirmed cases. 10,817 ang backlog ng positive cases na iva-validate pa,” wika pa niya.

Binanggit niya rin ang nakasaad na 12,306 virus samples na tinest noong Hunyo 28, na wala pang kalahati sa target na 30,000 ng DOH.

“We are not seeing the true picture of COVID19 in the Philippines,” sambit pa ni Reyes.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/tablado-si-roque-up-tama-hula-nato/)

Walang komento