Recent Posts

Breaking News

Taal Volcano niyanig ng 5 lindol

Limang lindol ang narehistro sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs nitong Martes, ang pagyanig ng lupa sa nasabing bulkan ay parte ng “rock-fracturing processes beneath and around the edifice.”

Matatandaan na noong Enero ngayong taon nagsimulang mag-alburoto ang bulkang Taal, na ngayon ay naibaba na sa Alert Level 1.

Gayunpaman, hindi na pinapayagan ang pagpasok sa Taal Volcano island na permanent danger zone sa oras na sumabog ang bulkan.

Binalaan naman ang mga residente na malapit sa Taal na mag-ingat sa mga posibleng ash fall, mga mahihnang lindol at iba pang posibleng idulot ng bulkan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/taal-volcano-niyanig-ng-5-lindol/)

Walang komento