Recent Posts

Breaking News

Student driver’s permit sususpindehin ng LTO mula Hulyo 1

Pansamantalang ikakansela ng Land Transportation Office ang pagpapalabas ng mga student driver’s permit simula Hulyo 1.

Wika ni LTO chief Edgar Galvante, Lunes, dapat ay sumailalim na sa 15-hour theoretical driving course ang mga aplikante ng permit simula Agosto 3.

Sa theoretical session, dapat aniyang talakayin ang mga batas at alituntunin sa pagmamaneho.

“Effective July 1, isu-suspend muna namin ang pag-iissue ng student permit kasi by August, ire-require na na dapat ‘yung nag-aapply ng student permit went through this 15 hours of theoretical session,” aniya sa ABS-CBN’s Teleradyo.

“August 3, ire-require na na magdaan ka sa theoretical session, kaya ‘yung mga driving school saka LTO mismo, meron na kaming setup kung saan kailangan mag-enroll sila,” dagdag ng opisyal.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/student-drivers-permit-sususpindehin-ng-lto-mula-hulyo-1/)

Walang komento