Recent Posts

Breaking News

Starbucks barista pinahiya ng customer, inulan ng tip

Naging viral sa social media ang isang barista sa Starbucks matpaos siyang itampok ng customer na ayaw magsuot ng face mask.

Sa Facebook post ni Amber Lynn Gilles, pinakita niya ang larawan ni Lenin Gutierrez, 24, na nagtatrabaho sa Starbucks sa San Diego, California sa US.

“Meet lenen from Starbucks who refused to serve me cause I’m not wearing a mask,” wika ng customer. “Next time I will wait for cops and bring a medical exemption.”

Inulan ng “haha” (84,000) at “angry” (19,000) reactions ang nasabing post.

Samantala, nilabas ni Gutierrez ang kanyang panig sa isang 2-minutong Facebook video.

Tinanong aniya niya kung may face mask ba si Gilles. Tugon ng huli, “No, I don’t need one.”

Ipapakita sana ng barista ang kanilang polisiya hinggil sa face mask, ngunit bigla na lang “nagpaulan ng mura” ang babae at tinawag na “sheep” ang mga tao, at saka umalis.

Bumalik aniya ang customer ilang minuto ang nakalipas, tinanong ang ngalan ng bartista, at kinuhahan siya ng litrato. Sinabi rin ni Gilles na “tatawag siya sa corporate” at nagmumura aniya ulit.

Kumampi ang madla sa barista.

Katunayan, gumawa ang mga netizen ng isang GoFundMe page para sa “honourable effort” ni Gutierrez na tumindig laban sa customer. May titulo itong “Tips for Lenin Standing Up To A San Diego Karen.”

Sa ngayon, Hunyo 29, 6.5K donor ang nagbigay ng tip para kay Lenin na umabot na sa $86,937 o tumataginting na P4.33 milyon.

Sa parehong video, nagpasalamat ang barista sa mga donasyon na makatutulong aniya sa pangarap niyang maging dancer.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/starbucks-barista-pinahiya-ng-customer-inulan-ng-tip/)

Walang komento