Recent Posts

Breaking News

Staff sa Kongreso, kinapitan ng COVID

Isang staff ng Kongreso ang nagpositibo sa COVID-19, ayon kay House Secretary General Jose Luis Morales.

Nasa Quezon City umano ang nasabing staff mula June 17 hanggang 23, na naglagi sa kanilang staff house at isang beses lang pumunta sa Kongreso.

Sa ngayon ay nasa probinsya na umano ang staff member, habang ite-test pa ang ibang nakasalamuha nito.

Ayon kay Morales, nagnegatibo na ang Chief of Staff na may contact sa COVID-19 positive, habang isang staff member pa at consultant ang isasalang sa testing.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/staff-sa-kongreso-kinapitan-ng-covid/)

Walang komento