Recent Posts

Breaking News

Sotto: Pahabain pagbabayad ng tuition fee

Nanawagan si Senate President Vicente Sotto III sa Department of Education (DepEd) na magbuo ng tuition payment scheme na makakatulong sa mga magulang na apektado ang kita bunsod ng 2-buwang lockdown dahil sa banta ng novel coronavirus.

“The DepEd should come out with more flexible payment terms so students can continue to enroll for this school year. Some families have experienced losses because of the lockdown,” pahayag ni Sotto.

“Private schools should be more accepting of proposed different payment schemes which are more affordable to parents who lost their jobs due to the COVID-19 lockdown,” dagdag pa nito.

Dapat aniyang payagan ng mga eskuwelahan ang “staged payment” o ang mahabang termino ng pagbabayad ng tution fees.

“Makatutulong nang husto kung pahahabain ng mga paaralan ang panahon ng pagbabayad ng mga school fees upang magkaroon ng mas mahabang panahon ang mga magulang para magawan ng paraan ang kanilang ipambabayad para sa pag-aaral ng kanilang mga anak,” ani Sotto.

Nauna nang sinabi ng Department of Labor and Employment na maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho nitong nakalipas na buwan matapos mapilitan ang mga negosyante na magsara ng kanilang negosyo.

Ang iba naman ay nagbawas ng mga empleyado dahil sa istriktong pagpapatupad ng quarantine regulation sa iba’t ibang lungsod at lalawigan sa bansa.

Sabi pa ng DOLE, tinatayang 10 milyong manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic sa bansa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sotto-pahabain-pagbabayad-ng-tuition-fee/)

Walang komento