Recent Posts

Breaking News

Soltones may papa-Tulfo

Nanawagan ng tulong sa madla si Petro Gazz Angels player Grethcel Soltones para sa makontak ang ‘Raffy Tulfo in Action’.

‘Di naman sinabi ng atleta kung ano ang problema at sino ang isusumbong niya sa nasabing programa.

“Hi sino po yung makakahelp sakin para makalapit po sa TULFO ? Thank you,” bigkas ni Soltones sa Twitter kagabi.

May mga netizen naman na nag-reply at nagpaabot ng tulong.

Kamakailan lang, dumulog si Magnolia veteran forward Marc Pingris sa Tulfo para nireklamo ang isang Engineer Pepito Alba na may balanse pa umano sa kanyang P500,000 dahil sa pinatigil na project.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/soltones-may-papa-tulfo1/)

Walang komento