Recent Posts

Breaking News

Solon itinutulak ang ‘cashless toll collection’ sa expressway

Bilang bahagi pa rin ng ‘new normal’, itinutulak ni Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ang pagpapatupad ng ‘cashless toll collection’ sa mga expressway habang patuloy ang pakikipaglaban kontra COVID-19 pandemic.

Nakapaloob ito sa kanyang inihaing House Bill No. 6119, na kung saa’y sa pamamagitan umano nito ay maiwasan ang physical contact sa pagitan ng motorista at toll collectors habang nasa kalsada.

Daan na rin ito upang mapigilan ang ‘cross-border transmission’ ng virus.

“With the coronavirus disease (COVID-19) pandemic, however, going cashless on toll collections has taken a public health significance.

Our expressways serve as gateways to different parts of the country. In the absence of a cure or vaccine for COVID-19, and with the still increasing number of confirmed infections in the country, we must continue finding ways to help contain the spread of the virus and save more lives,”ayon sa kongresista.

Sa ilalim ng panukala, inoobliga ang lahat ng toll collection facilities na nag-operate sa expressways na magpatupad ng mga tekonolohiya para sa electronic toll collection (ETC) programs sa kani-kanilang mga expressway.

Inaatasan ng panukala ang Department of Transportation (DOTR), sa pakikipag-ugnayan sa Department of Science and Technology (DOST), na bumuo ng multi-protocol radio frequency identification (RFID) tag gayundin ang pagtatag ng National Electronic Toll Collection System (NETCS).

Ang RFID tag ay pag-iisahin na sa existing toll collection systems sa lahat ng expressways. Habang ang RFID account para sa NETCS ay dapat reloadable sa mga reloading stations ng existing ETCs.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/solon-itinutulak-ang-cashless-toll-collection-sa-expressway/)

Walang komento