Recent Posts

Breaking News

Singapore na may COVID 2nd wave na, talo ng ‘Pinas

Mas mabilis pang umakyat ang mga new coronavirus case sa ating bansa kumpara sa Singapore na kumakaharap na sa second wave ng infection.

Ayon pa sa tala ng World Health Organization mula Hunyo 16, ang Pilipinas, na may 8,143 bagong kaso, ang pinakamataas sa 22 bansa sa Western Pacific region.

Kumpara ito sa 2,351 bagong kaso ng Singapore at sa 302 ng China–na pinagmulan ng COVID-19–sa parehong panahon.

Mula naman noong Mayo 15, kung kailan nagsimulang magluwag ang gobyerno sa paggalaw ng mga Pinoy, nagtala na tayo ng 22,935 bagong virus case.

Ibig sabihin, 65.9 percent ito ng kasalukuyang bilang ng mga nahawa sa COVID-19 sa ‘Pinas na 34,803.

May 17,609 bagong kaso naman sa Singapore mula Mayo 15.

Una nang sinabi ni WHO Health Emergencies Program executive director Mike Ryan na posibleng mamataan ang “second peak” ng mga virus case kahit pa nasa first wave pa lang ito.

Ito aniya ay kapag hindi nakontrol ng mga nasabing bansa ang pagkalat ng COVID-19.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/singapore-na-may-covid-2nd-wave-na-talo-ng-pinas/)

Walang komento