Recent Posts

Breaking News

‘Sarah kawawa: Matteo mabigat ang kamay’

Kung gaano kasagana sa like ang music video ng “Tala” ni Sarah Geronimo sa YouTube, ay siyang hina naman sa latest upload ng asawa nitong si Matteo Gudicelli.

Sa halos kalahating milyon na nakapanuod ng “unboxing” video ni Matteo, 2.7K lang ang likes nito habang 24K naman ang dislikes ng naturang video.

Sa kabila ng matamis na ngiti ng aktor, marami ang bumatikos sa kung paano nito in-unbox ang kanyang bagong playstation.

Karamihan sa mga comment ay puro negatibo dahil hindi raw maayos ang pagkaka-unbox ni Matteo. Tinawag pa nga na ‘careless’ ng iba ang aktor.

“This is how rich people do unboxing, doesn’t care about the warranty,” comment ng isang netizen.

“Why do i suddenly feel sorry for Sarah.. His hands are too heavy, he seems messy, the way he open the box and throw stuffs like he doesn’t really care,” sabi pa ng isa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sarah-kawawa-matteo-mabigat-ang-kamay/)

Walang komento