Recent Posts

Breaking News

Sarah Elago sa Miriam College: Pakinggan mga mag-aaral

Hinimok ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago ang pamunuan ng Miriam College na imbestigahan at tugunan ang mga paratang ng mga mag-aaral nito na nakaranas umano ng sexual harassment mula sa kanilang mga guro.

Nitong Miyerkoles, Hunyo 24, nagsimulang umugong sa Twitter ang hashtag #MCHSDOBETTER kung saan binahagi ng mga dati at kasalukuyang estudyante ng MC High School ang umano’y pang-aabuso sa kanila ng mga guro habang nasa paaralan sila. Karamihan sa mga binanggit ay lalaki.

Wika ni Elago, “pakinggan po natin ang mga mag-aaral. Hindi madali magsalita, ngunit mas mahirap ang magtiis dahil hindi pwede hayaang mas marami pang maging biktima.”

“Pag-usapan po, palakasin ang siste ng accountability at prevention ng harassment, at nawa’y patuloy na matuto po kami sa inyo ng pagpapalakas ng laban sa abuso, pagsulong ng karapatan ng bata, kababaihan, sambayanan!,” aniya pa.

Sinuportahan naman ni Frankie Pangilinan ang mga estudyante na nilalantad ang kanilang karanasan. Si Frankie ang nagpasimuno ng #HijaAko movement, kung saan hinihikayat ang madla na labanan ang victim blaming.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sarah-elago-sa-miriam-college-pakinggan-mga-mag-aaral/)

Walang komento