Recent Posts

Breaking News

Robredo: PH naging kampante masyado sa COVID-19 response

Binanatan ni Vice President Leni Robredo ang pagiging kampante at kawalan ng “urgency’ ng gobyerno sa laban sa coronavirus pandemic sa bansa.

Sa panayam sa kanya sa ANC, sinabi ni Robredo na ito ang dahilan kaya nararamdaman ang “gaps” sa ginagawang hakbang kontra COVID-19.

“We didn’t act urgently when the pandemic broke out. That’s why we’re catching up instead of having the same experience as other countries. China could have been a lesson for us,” wika ni Robredo.

Ipinunto rin ng bise presidente na natagalan din ang gobyerno na bumili ng mga personal protective equipment (PPE) dahil nakikipagkompetensiya ito sa ibang bansa.

Ang opisina raw niya ay nakabili ng mga PPE dito sa bansa at sa mababang halaga lang.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/robredo-ph-naging-kampante-masyado-sa-covid-19-response/)

Walang komento