Recent Posts

Breaking News

Robredo: Mga jeepney driver kinawawa!

Ayon kay Vice President Leni Robredo, hindi umano patas ang desisyon ng Inter-Agency Task Force na hindi payagan ang tsuper ng traditional jeep na tatlong buwan nang walang kita.

Sa panayam ni Robredo sa ANC, sinabi nito na hikahos ang mga tsuper ngayon dahil salat sila sa pera para makakuha ng modernized jeepney, na pinayagan nang bumiyahe simula ngayong linggo.

“Sukdulan na wala na nga silang kita for three months, ang gagawin pa, ii-ease out sila dahil hindi sila nakapag-modernize. Dinodoble iyong tama sa drivers. Hindi makatarungan iyong ginagawa ngayon,” paliwanag ni Robredo.

Aniya, hindi naman siya kontra sa public vehicle modernization, ngunit mali umano na itaon ito sa nararanasang health crisis sa bansa.

“Two years na nating pinag-uusapan ito, at iyong drivers, hindi sila totally against modernization. Gusto lang nila luwagan iyong terms para kayanin nila,” aniya pa.

Pahayag naman ni Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra, simula susunod linggo ay posible nang mapayagan ang muling pagbiyahe ng mga jeepney gayundin ang mga UV Express.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/robredo-mga-jeepney-driver-kinawawa/)

Walang komento