Recent Posts

Breaking News

Robredo: Anti-terror bill provision tiyak maaabuso

Pinalagan ni Bise Presidente Leni Robredo ang pahayag ng mga kapwa niya abogado, at giniit na may probisyon sa anti-terrorism bill na labag sa Konstitusyon 1987.

Ang tinutukoy ni Robredo ay ang detensiyon ng mga hinihinalang terorista nang mula 14 hanggang 24 araw, kahit pa walang warrant of arrest.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa kanyang tagapagsalita na si Atty. Harry Roque, na wala siyang problema sa naturang probisyon dahil pinapayagan naman ng Konstitusyon ang pre-trial detention.

“Hindi lang ‘yan 14 days, it is even extendable to 10 days so 24 days na yun. And it’s against the Constitution. The Constitution specifically states that for a warrantless arrest, hanggang three days lang,” wika ni Robredo sa isang ANC interview, Huwebes.

“I am all-out against terrorism, pero itong bagay na ito is very objectionable because it is bound to be abused,” sambit niya pa.

Nakasaad sa Section 18, Article VII ng Konstitusyon na kahit pa dineklara ang martial law at kahit pa sinuspinde ang writ of habeas corpus, “any person thus arrested or detained shall be judicially charged within three days, otherwise, he shall be released.”

Pinuna rin ng Bise ang pagmamadali ng Kamara na maipasa ang panukalang batas sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.

“Nagkakagulo na nga tayo dahil sa pandemic tapos nire-railroad pa yung pagpasa,” wika pa ni Robredo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/robredo-anti-terror-bill-provision-tiyak-maaabuso/)

Walang komento