Recent Posts

Breaking News

Reese Witherspoon may libreng damit sa mga guro, sinakdal

Namigay ng damit ang kompanya ni “Legally Blonde” star Reese Witherspoon para sa mga guro, pero nagresulta ito sa demandahan.

Sa ulat ng TMZ, naghain ng class-action lawsuit ang 3 babae laban kay Reese at sa Draper James clothing company nito dahil sa kanilang alok noong Abril.

Sa Instagram, Abril 2, sinaad ng kompanya ang: “Dear Teachers: We want to say thank you. During quarantine, we see you working harder than every to educate our children. To show our gratitude, Draper James would like to give teachers a free dress.”

Ayon sa demanda, para makasali sa premyo ay dapat ibigay ng kalahok ang kanilang personal information sa kompanya — kabilang ang contact information at sensitive education employment ID info — sa loob ng 3 araw.

Sasabihan ang “winners” na nanalo sila sa Abril 7.

Sabi ng mga babae, hindi nilinaw ng Draper James na 250 dress lang ang ipapamigay nila. Ito, kahit nakasaad sa IG post na valid ang kanilang offer “while supplies last.”

Kaya naman, ayon sa lawsuit, binigay ng halos 1 milyong guro ang kanilang personal info kahit mababa ang tiyansa nilang manalo at pinaniwala silang lahat na sila ay tatanggap ng libreng damit.

Pinunto ng 3 na ang kabuuang halaga ng pinamigay na 250 dress ay “tantiyang $12,500 lang, kahit pa ang mga kasabayang personalidad ni Reese ay nagdo-donate ng ilang milyong dolyar sa mga COVID-19 victim.”

Nakinabang din umano ang Draper James sa pagbabalita ng ilang media sa kanilang dress giveaway.

Samantala, giniit ng abogado ng kompanya na dedepensa ito sa korte at nilantad nilang limitado ang mga ipamimigay na damit.

“This lawsuit is an unjust attempt to exploit Draper James’ good intentions to honor the teacher community by gifting hundreds of free dresses. The fact that supplies were limited, such that a free dress could not be provided to every teacher who responded, was disclosed and is no basis for a lawsuit,” wika ni Atty. Theane Evangelis sa TMZ.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/reese-witherspoon-may-libreng-damit-sa-mga-guro-sinakdal/)

Walang komento