Recent Posts

Breaking News

Ramon Revilla Sr. hindi namatay sa COVID

Nilinaw ng anak ni Ramon Revilla Sr. na hindi COVID-19 ang sanhi ng pagpanaw ng kanilang ama nitong Biyernes.

Ayon kay Andrea Bautista-Ynares, anak ni ‘Agimat’ at kasalukuyang mayor ng Antipolo, Rizal, multiple organ failure at may kinalaman sa pneumonia ang dahilan ng pagkasawi ng Revilla patriarch.

“And I just want to make it clear na my dad did not die of covid. He died of multiple organ failure, acute respiratory illness secondary to pneumonia,” ayon kay Bautista-Ynares.

Sinabi pa nito na naghahanda sila ng public viewing para sa kanyang ama, ngunit isinasapinal pa ang petsa para dito.

Magkakaroon din ng funeral motorcade para kay Revilla kung saan ililibot ang kanyang labi sa Imus at Bacoor kung saan siya lumaki.

Samantala, nagbigay-pugay naman ang Senado para sa dating mambabatas, na nag-half mast ng kanilang watawat para makiramay sa pagpanaw ni Revilla Sr.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ramon-revilla-sr-hindi-namatay-sa-covid/)

Walang komento