Recent Posts

Breaking News

Quarantine period sa mga COVID patient, balak bawasan

Imbes na 14 na araw, pinag-aaralan ng Department of Health kung pupwedeng gawing 10 araw na lang para masabing magaling na ang isang pasyente na tinamaan ng COVID-19 matapos itong makalabas sa ospital.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may mga pag-aaral silang nakita na hindi na nakakahawa ang isang pasyente na nag-COVID-19 positive sa ika-10 araw na wala na itong sintomas.

“Atin pong pinag-aaralan ngayon kung saka-sakali ito pong additional na 14 days pagkatapos niyang ma-discharge sa ospital o di kaya’y sa quarantine facility kung kailangan ay mag-quarantine pa sa bahay or stepdown facilities kung mababawasan pa natin into just seven days,” saad ni Vergeire.

“May lumabas last week na sinasabi po na ang isang tao na nagka-COVID-19 pagdating ng 10th day of illness ay hindi na siya nakapanghahawa,” aniya pa.

Sa new protocol ng DOH para ma-discharge ang isang pasyente, hindi na kailangan ng test para makalabas ng ospital ang nagpositibo sa virus.

Ngunit nakalagay din dito na kailangan pa rin manatili ng 10 araw ng isang pasyente sa health facility matapos magkaroon ng sintomas ng virus, gayundin ang tatlong araw na dapat ay walang sintomas ang pasyente.

Sasalang pa rin ang mga discharged patient sa home quarantine ng 14 araw.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/quarantine-period-sa-mga-covid-patient-balak-bawasan/)

Walang komento