Recent Posts

Breaking News

Pumalo sa 499 ang kaso ng COVID-19 sa PNP

Umakyat na sa 499 ang bilang ng kompirmadong kaso ng coronavirus disease sa hanay ng Philippine National Police, (PNP) at walo na ang mga namatay.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa sa kanyang press briefing sa Camp Crame na walang tigil ang mga police personnel sa pagtrabaho simula ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine kahit napaka delikado ng sitwasyon.

“Law enforcement operations during the 75-day ECQ period and the continuing GCQ have exposed our police personnel to the risk of infection such that there had been 499 confirmed COVID-19 cases among PNP personnel,” hayag ni Gamboa.

May 288 naman ang naka recover sa coronavirus at karamihan sa kanila ay nakabalik na sa kanilang trabaho habang 875 ang suspected cases sa police agency.

Samantala, mananatiling magiging mahigpit ang PNP sa pagbabantay at pagpatupad ng protocols na inihain ng Inter-Agency Task Force, 9IATF).

“Even as some restrictions on mass transportation are eased effective today, the PNP will continue to be vigilant in enforcing the minimum health standards imposed by IATF on use of face masks, physical distancing, crowding, non-essential travel and other acts that inimical to public health,” ani Gamboa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pumalo-sa-499-ang-kaso-ng-covid-19-sa-pnp/)

Walang komento