Recent Posts

Breaking News

Pulis nanguna sa pagsasabong, arestado

Arestado ang isang pulis at tatlong iba pa matapos ang isinagawang raid ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa isang tupadahan o ilegal na sabong, Linggo ng hapon sa Cebu City.

Sa ulat na ipinadala ni IMEG chief Brig. General Ronald Lee kay Philippine National Police (PNP) chief General Archie Francisco Gamboa, naaresto ng kanyang mga tauhan si Staff Sgt. Charlito Sanchez Tinoy, naka-assaign sa Regional Personnel Holding Accounting Section, sa akto habang hawak pa ang pusta sa nagaganap na tupada sa Suldon, Lahug, Cebu City dakong 2:30 ng hapon nitong Linggo.

Napagalaman na dati na ring naaresto si Tinoy dahil din sa kasong illegal gambling ayon pa sa ulat ng pulisya.

“Were intensifying our monitoring of policemen involved in all forms of illegal activities and assure the public that we will apprehend them as soon as we have built enough evidence against them. We must make it clear that Gen. Gamboa has a strict zero-tolerance policy against police officers who continue to tarnish the good reputation and image of majority of the police force,” pahayag ni Lee sa kanyang inilabas na statement sa media kahapon.

Base sa ulat, nilusob ng mga tauhan ng IMEG at Cebu City police ang isang compound sa nabanggit na lugar hinggil sa mga sumbong na nagdaraos dito ng tupada.

Bukod sa apat na sabungero na kinabibilangan ng tatlong sibilyan at ni Tinoy, nakakumpiska rin ng mga awtoridad ng perang pamusta, mga manok panabong at mga tari.

Bukod sa kasong illegal gambling ay kakasuhan din ang mga suspek ng paglabag sa social distancing at hindi pagsuot ng face mask dahil patuloy na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang lungsod dahil sa pandemic na COVID-19.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pulis-nanguna-sa-pagsasabong-arestado/)

Walang komento