Recent Posts

Breaking News

Positibo sa COVID-19, nasawi sa Quezon

Binawian ng buhay ang isang positibo sa COVID-19 sa Quezon province kaya naman umakyat na 11 ang bilang ng mga nasawi.

Sa report ng Quezon Public Information Office (QPIO), ang namatay na pasyente ay taga island town ng Alabat. Hindi naman nagbigay ng masyadong detalye ang QPIO.

May dalawang naitalang COVID-19 pasyente sa Alabat island, una ang 52-year-old male na “symptomatic” at may “extensive pulmonary tuberculosis.” habang ang pangalawa ay isa rin lalaki na 68 anyos at may close contact sa naunang nagpositibo.

Nasa ilalim ng general community quarantine status ang Quezon, may 151 COVID-19 cases pero naka recover na ang 120 at 11 ang namatay.

Tinatayang 20 na lang ang active virus carriers sa nasabing probinsya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/positibo-sa-covid-19-nasawi-sa-quezon/)

Walang komento