Recent Posts

Breaking News

Police Chief arestado sa kasong robbery extortion

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police- Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang hepe Godod Municipal Police Station (MPS) sa Zamboanga Del Norte sa pangongotong matapos ang ginawang entrapment operation, Huwebes ng hapon sa kanyang tanggapan.

Sa ulat na ipinadala ni PNP-IMEG Director Police Brig General Ronald Lee kay PNP chief Director Archie Gamboa, dakong 4:58 ng hapon nitong Huwebes ng kanilang arestuhin ang suspek na si Police Captain Haran U. Ulah, hepe ng Godod MPS, habang tinatanggap ang halagang P5,000 marked money sa isinagawang entrapment operation laban dito.

“We have arrested another police officer accused of extortion in line with our continuing implementation of Gen. Gamboa’s directive to go after rogues in uniform regardless of their rank and stature. We assure the public too that we will immediately and properly act on all complaints against erring police officers and men being forwarded to us,” pahayag ni Lee sa kanyang statement.

Nag-ugat ang entrapment operation laban sa suspek matapos ang reklamo ni Jose Abarca na hinihingan siya ni Ulah ng halagang P10,000 nitong Mayo 29, 2020 bilang protection money umano para hindi na mabulabog ang ginagawa nitong treasure hunting sa Sitio Riverside, Barangay Raba ng nabatid na lungsod.

Nito ngang Huwebes ng hapon ay nagkasundo umano ang biktima at si Ulah na magbibigay muna ng halagang P5,000 bilang paunang kabayaran sa hinihingi ng opisyal subalit lingid sa kaalaman ng opisyal ay isang entrapment operation na ang ikinasa ng mga tauhan ng IMEG Mindanao Field Unit dahilan ng pagkakaaresto dito.

“There will be no respite in our crackdown against police scalawags and other rogues in government service despite the ongoing strict enforcement of quarantine measures to help prevent the further spread of COVID-19. Walang COVID-COVID sa amin kapag ang huhulihin ay iskalawag na pulis,” saad pa ni Lee.

Nakuha sa suspek ang P5,000 marked money, service firearm nitong M16 rifle at kalibre .45 baril at ang cellphone na ginamit nito sa pakikipagtransaksyon sa biktima.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-IMEG Mindanao Unit ang naarestong suspek habang inihahanda ang kasong robbery extortion laban dito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/police-chief-arestado-sa-kasong-robbery-extortion/)

Walang komento