Recent Posts

Breaking News

PNP sinisiyasat pulis na nanita ng GMA reporter

Iniimbestigahan na umano ng pulisya ang paninita ng isang parak kay GMA-7 reporter Mark Gene Makalalad habang ito’y kumukuha ng live traffic report sa kahabaan ng Marcos Highway sa Marikina City.

Wika sa mga reporter ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, JTF COVID Shield commander, inuusisa na ng hepe ng Marikina police ang mga tauhan nito hinggil sa napaulat na intimidasyon.

Samantala, sinabi ni Philippine National Police spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na “nanghihingi na ng paglilinaw” ang PNP mula sa Marikina police, habang binabanggit na walang polisiya na nag-uutos na humingi ang media ng clearance sa awtoridad kapag gagawa ng live report sa mga lugar.

“We’ll seek clarification from Marikina Police why our cops acted the way they acted. But definitely, we have no policy that requires media to ask prior permission from PNP to do live report in public places,” wika ni Banac sa mga reporter.

“The PNP treats media as ally and partner in maintenance of peace and order and will always uphold the freedom of the press,” dagdag niya.

Sa Facebook post ni Makalalad, lumapit umano sa kanya ang tatlong pulis para tanungin kung siya ay media, at hiningi ang kanyang ID.

Sinabi umano sa kanya ng isang pulis na baka raw ‘kalaban’ ang journalist kaya “dapat magpaalam bago mag-live.”

“Quarantine pass is no longer required in GCQ areas. Permission to seek clearance from police to do live report is NEVER an option,” paliwanag pa ni Makalalad.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pnp-sinisiyasat-pulis-na-nanita-ng-gma-reporter/)

Walang komento