Recent Posts

Breaking News

PNP frontliner nakalanghap ng disinfectant, dedo

Yumao ang isang PNP frontliner matapos makalanghap ng disinfectant, habang may decontamination na nangyayari sa isang quarantine facility sa Pasig.

“Nakikiramay kami sa pamilya…Nakalanghap siya ng toxic chemicals. It could be mislabeling or mali ang pagkakalagay kaya nagkaroon ng ganitong insidente,” sambit ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac sa ABS-CBN’s Teleradyo, Lunes.

Nakatalaga ang edad 31 na si Police Captain Casey Gutierrez, RN MD, sa PhilSports Arena nang ‘di niya sinasadyang makalanghap ng disinfectant matapos manggamot ng mga coronavirus patient.

Pumanaw siya noong Mayo 30 sa Lung Center of the Philippines, 5 araw matapos ang insidente.

Kinumpirma rin ni Banac na may 2 ibang doktor na nagpapagaling pa matapos malanghap ang parehong disinfectant. Iniimbestigahan na umano ng PNP ang insidente.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pnp-frontliner-nakalanghap-ng-disinfectant-dedo/)

Walang komento