Recent Posts

Breaking News

PNP dinisarmahan mga pulis

Ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na kasalukuyan nang nasa kustodiya at dinisarmahan ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Sulu.

Nagpahayag din ng kahandaan ang PNP na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) para malinawan ang buong pangyayari.

Kasabay nito, ipinaaabot din ni Banac ang pakikiramay ng PNP sa mga naulilang pamilya ng apat na sundalo.

“Ällow us to express our deepest sorrow and condolence to the families of slain soldiers,” ani Banac.

Hinihiling din nila sa NBI na magkaroon ng patas na pagsisiyasat sa insidente.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pnp-dinisarmahan-mga-pulis/)

Walang komento