Recent Posts

Breaking News

PITAHC: Tuob ligtas, ngunit ‘di gamot sa COVID

Dinepensa ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITACH) ang pagsasagawa ng ‘tuob’ o steam inhalation, na ngayon ay ginagamit bilang remedy sa COVID-19.

Ayon sa health institute, may mga pag-aaral na na nakapagpapatunay na nakakagaling ang tuob sa mga sintomas ng colds na may pagkakapareho sa new coronavirus disease.

“In the most recent Department of Health (DOH) statistics of active COVID-19 cases, 96% have mild symptoms of low grade fever, colds cough and sore throat; 0.5% have severe symptoms; and only 0.1% are critical cases,” ayon sa PITAHC.

Lahad pa, sa Pilipinas na tinuturing na third world country ay mahalaga ang pagkakaroon ng tradisyunal at alternative remedy na mura at available para sa lahat.

Dahil dito’y suportado ng ahensya ang paggamit ng tuob para maibsan ang ilang sintomas ng COVID-19.

“It is safe remedy if done properly, but can possibly hurt otherwise,” saad pa.

Ngunit nilinaw naman ng PITAHC na bagama’t epektibo ito sa ilang sintomas ng virus, hindi pa rin ito dapat ituring na gamot para sa COVID-19.

“Tuob/suob cannot be recommended as a standard care treatment for COVID-19 until it is proven by controlled clinical studies,” saad ng ahensya, na minungkahi na pag-aaralan pa ang tuob bilang treatment o para makaiwas sa virus.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pitahc-tuob-ligtas-ngunit-di-gamot-sa-covid/)

Walang komento