Recent Posts

Breaking News

Pinupulot ng mga OFW sa Riyadh, grocery ‘di basura – Bello

Itinanggi Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga ulat na ilang OFW ang namamasura na lang para may makain sa Riyadh.

Ani Bello sa House panel hearing noong Biyernes, hindi basura ang pinupulot ng mga OFW sa mga trash bin kundi “rejects” mula sa mga grocery store.

“Naniniwala ba kayo na ang Pilipino, isang marangal at may dangal na tao ay kakain ng basura? Sa mga groceries in Riyadh, ‘yung mga dine-deliver na pagkain, kapag ni-reject ng grocery stores, ‘yun ang pinag-aagawan ng mga kasamahan natin,” paliwanag niya.

“Hindi ito basura. Ito ‘yung hindi pumapasa sa kategorya ng groceries. At hindi ako naniniwala na may Pilipino na kakain ng basura,” dagdag pa niya.

Pinabulaanan din niya ang mga ulat na ilang stranded OFW sa Saudi Arabia ang napilitan nang magbenta ng dugo para makabili ng pagkain matapos mawalan ng trabaho.

Matagal na raw nangyayari ang ganoong kalakaran kahit wala pang pandemic.

“Nagbebenta ng dugo ‘yung ating kababayan, hindi dahil sa pangangailangan kundi sa kagustuhan nila na makapagpadala ng dagdag pera sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas,” aniya.

“That does not only happen during this pandemic, the truth is that is happening. Even in the Philippines, it happens that there are those who sell their blood to have extra money,” pahayag pa niya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pinupulot-ng-mga-ofw-sa-riyadh-grocery-di-basura-bello/)

Walang komento