Recent Posts

Breaking News

Pia Wurtzbach ilusyunadang maging talk show host

Para marahil magkaroon ng ibang pagkakaabalahan ay nag-ilusyong maging talk show host si Pia Wurtzbach sa online. May dalawang linggo na ngang visible sa social media ang online talk show ni Pia, ang “QueenTuhan” kung saan ang mga nauna niyang mga guest ay mga kapwa beauty queen din.

Para sa LGBTQ pride episode nitong Tuesday, ang guest ni Pia ay ang transgender beauty queen na si Kevin Balot.

Sa bagong kinahihiligang career ni Pia bilang talk show host, nailalabas niya ang talent niya sa pakikipagtsikahan.

Mula nang matigil sa trabaho ang mga celebrity at walang pinagkakakitaan, marami sa kanila ang gumawa ng sariling podcast show.

Nauna na nga si Angeline Quinto, at sumunod si Jaya. At heto nga, si Pia. (Rey Pumaloy)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pia-wurtzbach-ilusyunadang-maging-talk-show-host/)

Walang komento