Recent Posts

Breaking News

Permit ng reclamation project sa Cavite pinababawi ni Villar

Hiniling ni Senador Cynthia Villar sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bawiin ang environment compliance certificate (ECC) na pinagkaloob sa 320-ektaryang Bacoor reclamation project sa Cavite.

Posible kasi aniyang masira ng proyekto ang Las Piñas-Parañaque Wetland Park na dineklarang protected area batay sa Expanded National Integrated Protected Areas System Act.

Maaari rin itong makapagdulot ng malalang pagbaha sa mga komunidad sa paligid ng Manila Bay. Binanggit niya ang babala ng Department of Public Works and Highways na sa pag-reclaim ng Manila Bay ay pwedeng bumaha nang hanggang walong metro ang taas sa Las Piñas City at mga kalapit pang lungsod.

“The reclamation project will potentially cause irreparable damage to the Las Piñas-Parañaque Wetland Park. The project will be building on the buffer zone of this protected area and will destroy the landscape in which the wetland now thrives,” sambit ni Villar, na pinuno ng Senate committee on environment.

“If we allow reclamation to proceed in Manila Bay, what happens now to our rehabilitation efforts? Our government has already poured precious resources into this campaign and many have sacrificed to comply. Are we now losing the battle for Manila Bay?,” usisa niya pa.

Ang tinutukoy ni Villar ay ang ECC na nilabas ng DENR via Environmental Management Bureau (EMB), sa Bacoor Reclamation and Development Project na pinangunahan ng Bacoor City government katuwang ang may-ari ng Erabelle Fishing Corp. noong Marso 5.

Pirmado ang ECC-CO-1909-0023 ni EMB officer-in-charge William Cunado. Sa bisa ng ECC ay pwede na ang dredging, pagpuno sa project area ng mga reclamation material at konstruksiyon ng road networks at drainage system sa Manila Bay, mula sa Bacoor City sa Cavite.

Samantala, pinuna ng ilang netizen ang hakbang ng property company ni bilyonaryo Manny Villar, na asawa ng senadora. Tinututulan ngayon ng ilang mamamayan ang pagputol ng Vista Residences Inc. sa 54 pine tree sa Outlook Drive village, Baguio City.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/permit-ng-reclamation-project-sa-cavite-pinababawi-ni-villar/)

Walang komento