Recent Posts

Breaking News

Pekeng PWD ID pinasisiyasat ni Angara

Pinaiimbestigahan ni Senador Sonny Angara sa Senado ang pagkalat ng mga pekeng person with disabilities (PWD) cards sa gitna ng ulat ng dumaraming bilang ng ilang indibiduwal na nang-aabuso sa diskuwentong ito.

Bilang isa sa mga author ng Republic Act 10755 o batas na nagpapalawig ng benepisyo at pribilehiyo ng PWD, sinabi ni Angara na dapat rebyuhin ang proseso ng pag-isyu ng PWD card.

Sa Senate Resolution 455, sinabi ni Angara na hindi na aniya bago ang pag-isyu ng “fake” PWD ID cards. Lumutang lang ito magtapos mag-viral sa social ang isang larawan na nagpapakita sa isang buong pamilya sa Quezon City na may PWD card.

“RA 10754 is intended to provide PWDs the opportunity to participate fully into the mainstream of society by providing them with at least 20% discount and exemption from the value added tax on the purchase of goods and services such as food, movie tickets, medicine and transport fares,” ani Angara.

“It is unconscionable, to say the least, for some people to abuse this for their own benefit. We need to tighten up the process involved in issuing these cards so that only legitimate PWDs will enjoy the benefits under the law,” dagdag nito.

Sa guidelines na inilabas ng National Council on Disability Affairs (NCDA), ang PWD ID car ay iniisyu sa sinumang bonafide PWD na may permanenten kapansanan dahil sa mga sumusunod na kondisyon: psychosocial, chronic illness, learning, mental, visual, orthopedic, speech at hearing conditions.

Kasama na dito ang mga taong sumasailaim sa dialysis, may heart disorder, may malalang kaso ng kanser at iba pang kaso na nagresulta sa pansamatala o permanenteng kapanasanan.

Ang pagpaparehistro at pag-isyu ng PWD ID cards ay ginagawa sa local government level, alinman sa city o municipal mayor o di kaya’y ng barangay catain.

Iniimbestigahan ng ng DTI Fair Trade Enforce Bureau ang pagkalat ng pekeng PWD ID cards at nanawagan rin ito sa mga establisimiyento na isumbong ang ganitong uri na katiwalian sa NCDA, National Bureau of Investigation at Presidential Anti-Corruption Commission.

“The exploitation on the use of the benefits and privileges specifically intended to help alleviate any financial burden encountered by PWDs should not be tolerated especially at this time when establishments like restaurants, entertainment centers and hotels are still struggling from the impacts of the COVID-19 pandemic,” sabi ni Angara.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pekeng-pwd-id-pinasisiyasat-ni-angara/)

Walang komento