Recent Posts

Breaking News

‘Parang walang pandemya sa Pasay’

May mga taong tumatakbo, nag-uusap, nagbibisikleta, nagkukumpulan.

Ito ang nasaksihan ng mga netizen sa video ni DZRH reporter Noche Cacas ukol sa sitwasyon sa harap ng Cultural Center of the Philippines ngayong umaga.

Bagaman nakasuot ng face mask ay kapansin-pansin na marami ang naroroon sa nasabing puntahan–kahit pa may banta ng pagkalat ng nakahahawang sakit na COVID-19.

Kaya naman nawindang ang mga nakasaksing netizen.

“Wow! Walang pandemic???,” usisa ng isa.

“Normal lang ang takbo ng buhay, parang walang pandemya,” ayon pa sa isa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/parang-walang-pandemya-sa-pasay/)

Walang komento