Recent Posts

Breaking News

Pansamantalang kapalit ni Ramirez malalaman

Itatalaga ng Office of the President sa Lunes ang pansamantalang mamumuno sa Philippine Sports Commission (PSC) matapos na humingi ng panahong makapahinga ang chairman ng ahensiya na si William ‘Butch’ Ramirez.

Humiling ang PSC chief z ng temporary leave of absence upang masamahan ang maysakit na asawa na si Mercy habang inilagay sa Malacanang ang pagpapasya sa pagtalaga ng officer-in-charge kapalit nito.

Una nang sumulat si Ramirez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea nakaraang linggo matapos na sumailalim ang misis nito sa gall bladder bile duct operation.

“I am availing of this sick leave because I have to attend to the medical needs of my wife. She is in dire need of my personal care and full attention,” sabi ni Ramirez sa isang pahinang sulat.

Sinabi ni Ramirez na ang Palasyo na mismo ang magdedesisyon kung sino sa mga kasama nito sa Executive Board na mga commissioner na sina Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Celia Kiram at Charles Maxie ang pansamantala na papalit sa kanyang puwesto.

Nakatakdang magbalik si Ramirez sa Hulyo 20.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pansamantalang-kapalit-ni-ramirez-malalaman/)

Walang komento