Recent Posts

Breaking News

Pangulo ng Burundi pumanaw na

Yumao na ngayong buwan ang presidente ng Burundi, isang bansa sa East Africa, na si Pierre Nkurunziza.

Ayon sa gobyerno nito, namatay ang 55-anyos na pangulo noong Hunyo 8, 2020 dahil sa cardiac arrest.

Sumama umano ang lagay ni Nkurunziza matapos dumalo sa isang volleyball game.

Sinugod ito sa ospital noong Sabado at kahit na nakitaan umano ng pagbuti ng kondisyon, Linggo, ay nagkaroon ng cardiac arrest noong Lunes at yumao.

Naging Pangulo si Nkurunziza ng nasabing nasyon mula pa 2005 at dapat ay bababa sa puwesto sa darating na Agosto.

Nagkagulo sa Burundi matapos niyang ianunsiyo na tatakbo siya sa pangatlong termino noong 2015.

May sinagawang bigong kudeta roon kung saan ilang daang tao ang yumao. Ilang libo naman ang umalis sa nasabing bansa.

Binago ulit ang kanilang Konstitusyon para mapayagan si Nkurunziza na tumakbo sa pang-apat na termino, bago niya ianunsiyo na bibitaw na siya sa posisyon sa Agosto.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pangulo-ng-burundi-pumanaw-na/)

Walang komento