Recent Posts

Breaking News

Pampanga naka-total lockdown

Sinimulan na ng kapulisan ang “total lockdown” sa buong Pampanga bilang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19.

“Lockdown na actually ang sinasabi natin dito dahil nga yung maigi nating ipinapaliwanag ay quarantine is a medical term na talagang sinisikap natin na huwag nang lumabas o kumalat ang tinatawag nating coronavirus,” wika ni Pampanga Police provincial director PCol. Jean Fajardo, sa isang ulat.

“Sa ngayon ang kapulisan ay 24 oras pong nagbabantay sa mga itinatag nating quarantine and control protocols sa national roads sa provincial roads at hanggang sa mga barangay control points,” aniya pa.

Sa ilalim ng total lockdown, bawal lumabas at pumasok ng Pampanga. Exempted dito ang mga may medical at emergency cases.

Samantala, tanging may mga identified quarantine pass ang papayagang lumabas ng bahay habang bukas pa rin sa tinakdang market hours ang mga essential establishments gaya ng mga palengke at botika.

Bawal din umano ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng alak at ang pagbuburol o lamay sa mga patay.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pampanga-naka-total-lockdown/)

Walang komento