Recent Posts

Breaking News

Palpak sa COVID crisis: Duque pinagbibitiw ng mga health worker

Nanawagan ang isang grupo ng mga health worker kay Health Secretary Francisco Duque III na mag-resign na dahil wala umanong malinaw na plano na nagresulta sa mataas na coronavirus infection rate sa bansa.

Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), dapat managot si Duque dahil mahigit 34,000 na ang COVID-19 case sa Pilipinas.

Palapit na anila ito sa 40,000 case na prediksyon ng University of the Philippines para sa June.

“As we bravely fight the virulent disease, let us not allow the government authorities especially the DOH to abandon their primordial duty to ensure health workers’ safety and well-being,” wika ni AHW national president Robert Mendoza sa Facebook post.

“We demand Secretary Duque’s resignation and hold him accountable for his neglect, incompetence, shortcomings and failure in dealing with (the) health crisis especially in COVID-19 response,” dagdag nito.

Ayon kay Mendoza, halos limang buwan na ay hindi pa nakakagawa ng malinaw at konkretong plano si Duque at ang administrasyong Duterte para malabanan ang virus, at lumalala ang sitwasyon ng mga health worker.

“We have been fighting the COVID-19 pandemic for nearly 5 months now, but the DOH and Duterte administration still have no clear and comprehensive plans on how to combat the deadly virus and the health workers’ situation are getting worse,” paliwanag ni Mendoza.

Ani Mendoza, sumulat na siya sa DOH para ipabatid ang ilang isyu gaya ng kawalan ng mass testing at personal protective equipment para sa mga frontliner, at “heavy shifts” ng mga tauhan ng ospital pero binalewala aniya ito ng kagawaran.

As of June 22, mayroon nang 3,122 health workers na tinamaan ng COVID-19, 33 sa mga ito ay pumanaw habang 2,235 ang nakarekober.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/palpak-sa-covid-crisis-duque-pinagbibitiw-ng-mga-health-worker/)

Walang komento