Recent Posts

Breaking News

Pagtakbong Pangulo, wala sa usapan! Pacquiao kinontra si Arum

Pinasinungalingan ni Senator Manny Pacquiao ang naging pahayag ni Top Rank founder Bob Arum na kasado na ang pagtakbo ng ‘Pambansang Kamao’ sa 2022.

Ayon sa pahayag ni Pac-Man, puro boxing lang ang kanilang napag-usapan ni Arum at hindi kasama dito ang mga plano niya sa politika.

Matatandaan na umusok ang balitang tatakbong Presidente ng Pilipinas si Pacquiao matapos sabihin ng boxing promoter kay WBC president Mauricio Sulaiman na ang Pinoy boxing legend umano ang posibleng unang maging fighter na maging top official ng isang bansa.

“As far as I know, we never talked about politics. The last time we talked on Zoom, Bob discussed possible fight schedules, but never about politics. Our discussion was all about boxing,” paliwanag ni Pacquiao.

Saad ng eight-time division world champion, mas maraming dapat atupagin sa ngayon lalo’t humaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

“Hindi panahon ng politika ngayon. Sa dami ng problema ng bansa, ang kailangan natin ay pagkakaisa at pagtutulungan para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan,” giit ng fighting senator.

“Kailangan natin pagkakaisa. Let’s unite para matulungan ang mga kababayan natin. Ang daming walang trabaho ngayon lalo na ang ating mga OFWs. Kailangan po ng ating bansa ngayon ay hindi politika.”



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pagtakbong-pangulo-wala-sa-usapan-pacquiao-kinontra-si-arum/)

Walang komento