Recent Posts

Breaking News

P300K shabu nasamsam sa Zambales buy bust

San Narciso, Zambales- Isang 40 taong gulang na lalaki ang naaresto sa isinagawang anti- illegal drug campaign ng drug enforcement unit ng San Narciso Police station noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay P/Captain Teddy Padauan hepe ng San Narciso PNP, nakilala ang suspek na si Bele June Pascual, isang driver at residente ng Barangay Luna ng bayan ng San Antonio.

Sinabi pa ni Padauan na naaresto si Pascual sa buy-bust operation sa Barangay Natividad at naaktuhan ito sa loob ng isang asul na Toyota Vios kung saan siya at ang poseur buyer ay gumawa ng isang transaksyon.

Nasa 11 piraso ng mga plastic sachet na naglalaman ng mga hinihinalang crystal meths na tumitimbang ng 43.263 gramo at may street value ng P300,000.00, ID, cellphone, pasaporte at isang yunit ng Toyota Vios na nakuha mula sa suspek sa nasabing operasyon.

Nahaharap ngayon si Pascual sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na isasampa sa Provincial Prosecutor’s Office sa Iba, Zambales.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/p300k-shabu-nasamsam-sa-zambales-buy-bust/)

Walang komento