Recent Posts

Breaking News

P190 SRP sa kada kilo ng baboy — Dar

Nasa P190 lamang kada kilo ang Suggested Retail Price (SRP) ng baboy sa mga pamilihan.

Ito ang inihayag ni Agricilture Secretary William Dar matapos makarating sa kanya ang ulat na sumisirit ang presyo ng baboy sa mga pamilihan.

Nalaman na nasa P240-P250 kada kilo ng baboy sa mga pamilihan.

“Wow, sobra-sobra na ang presyonf iyan,” ayon kay Dar matapos makarating sa kanyang kaalaman ang presyo ng ibinibentang baboy sa Nueva Ecija.

Nabatid na imino-monitor na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng baboy sa mga pamilihan.

Matatandaan na nagkulang ng supply sa baboy sa Luzon pero sapat-sapat ang supply sa Mindanao kaya kapag nadala sa Luzon ay sapat na ang demand sa baboy.

Kaugnay nito, maging ang presyo ng manok sa ilang pamilihan ay umabot naman sa P190 kada kilo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/p190-srp-sa-kada-kilo-ng-baboy-dar/)

Walang komento