Recent Posts

Breaking News

P10B para sa COVID testing, ihihirit sa ‘Bayanihan 2’

Hihirit ang Malacañang sa Kongreso ng P10 bilyon para magamit bilang subsidiya sa COVID testing sa harap ng patuloy na paglaban ng gobyerno sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na nakapaloob sa kanilang mungkahing Bayanihan 2 sa Kongreso ang paglalaan ng pondo para sa testing, tracing at isolation ng COVID-19.

Batid aniya ng Palasyo na mahal ang testing na nasa minimum na P3,000 subalit mura na ito kaysa magpagamot kapag nakapitan ng coronavirus na aabot ng hanggang P800,000.

“Sa ilalim ng proposed Bayanihan 2, meron po tayong proposed na testing subsidy hanggang P10 billion,” ani Roque.

Bukod sa testing subsidy ay hihiling din ang Palasyo ng P15 bilyon para sa cash for work program ng mga mamggagawang nawalan ng trabaho.

“Mayroon din po tayong cash for work program na hanggang P15 billion. Ito ay gagamitin para sa contact tracers,” dagdag ni Roque.

Isa sa tinitingnang sektor ng Inter-Agency Task Force na gawing contact tracers ay ang mga tsuper ng pampasaherong jeep na nawalan ng trabaho matapos hindi na pinayagang makapamasada.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/p10b-para-sa-covid-testing-ihihirit-sa-bayanihan-2/)

Walang komento