Recent Posts

Breaking News

OPM Pres. Ogie Alcasid iginiit ang renewal ng ABS CBN franchise

Pinaabot sa Kamara ng Singer-actor na si Ogie Alcasid, pangulo ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) ang posisyon ng kanilang samahan para sa renewal ng prangkisa ng ABS CBN.

Isa si Alcasid na inimbitahan ng Pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committees ON legislative franchises at Legislative Franchises and the Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa renewal ng prangkisa ng naturang network.

Ayon kay Alcasid ang OPM ay nakikiisa sa ABS-CBN.

“Naniniwala po kami na napakalaki po ng naitulong at maitutulong pa ng kanilang mga music platforms upang matulungan ang ating mga local singers at songwriters para maipalabas at maiparinig ang kanilang mga creative content,” ayon kay Alcasid.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/opm-pres-ogie-alcasid-iginiit-ang-renewal-ng-abs-cbn-franchise/)

Walang komento