Recent Posts

Breaking News

Obispo tutol sa pagpuputol ni Villar ng puno

“Hindi katanggap-tanggap” ang “mass killing” ng property company ni bilyonaryo Manny Villar sa mga puno sa Baguio, ayon sa obispo roon.

Napaulat kasi ang pagsibak ng Vista Residences Inc. na pinahihintulutang tabasin ang 53 Benguet pine at isang Norfolk pine sa Purok 3, Outlook Drive.

Magbibigay-daan ito para sa isang building construction project.

“The Diocese of Baguio strongly opposes and considers as unacceptable the continuing mass killing of full grown and healthy trees,” wika ni Baguio Bishop Victor Bendico sa isang pahayag.

Dagdag niya, labag aniya ang pagputol sa mga puno sa doktrina ng Simbahang Katoliko na alagaan ang kalikasan.

Pagbabalewala rin aniya ito sa paglaban ni Bishop Emeritus Carlito Cenzon para mapangalagaan ang mga pine tree ng Baguio.

Una nang tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources na dumaan ang kompanya sa wasto at striktong proseso ng pagkuha ng mga dokumento para tabasin ang mga puno.

Pinabawasan din ang mga puputuling puno ng kompanya, at sumang-ayon ang property owner sa hiling ni Baguio Mayor Benjamin Magalong na mula 100 ay gawing 200 ang itatanim na punla sa kada sinibak na puno.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/obispo-tutol-sa-pagpuputol-ni-villar-ng-puno/)

Walang komento