Recent Posts

Breaking News

Nurse positibo sa COVID, Albay town tututok sa contact tracing

Ibubuhos ng bayan ng Oas sa Albay ang panahon nila sa contact tracing matapos magpositibo sa new coronavirus ang isang nars na nagbahay-bahay noong nakaraang linggo para bakunahan ang mga residente.

Ayon kay Mayor Domingo Escoto, walang sintomas ng sakit ang 30-anyos na pasyente na bahagi ng immunization program ng bayan mula Hunyo 3 hanggang 5.

Para aniya sa mga bata at sanggol ang bakuna, at nakapagbakuna umano ang nars sa ‘di bababa sa 41 katao. Marami rin aniyang napuntahang nayon ang nars na nagtatrabaho sa kanilang rural health unit.

“The horizon of the contact tracing that we need to do is wide,” wika ng alkalde, sa isang ulat.

Dahil sa insidente, sinuspinde ang libreng sakay sa Oas para magamit sa contact tracing, na gagawin katuwang ang Barangay Health Emergency Response Team at Philippine National Police. Sasailalim din sa lockdown ang Balogo village kung saan nakatira ang pasyente.

‘Di naman tinukoy ni Escoto kung ilang nayon ang apektado.

Martes, Hunyo 9, nalaman na nahawa sa COVID-19 ang nars. Na-assign na ito sa quarantine facility sa Busac village hall, ayon naman kay Albay provincial health office chief Dr. Antonio Ludovice sa ulat.

Hanggang nitong Miyerkoles ng hapon, 61 COVID-19 case na ang naitala sa Albay.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/nurse-positibo-sa-covid-albay-town-tututok-sa-contact-tracing/)

Walang komento