Recent Posts

Breaking News

Nico pinagtawanan si Matteo

Sumakay na rin ang asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa kasikatan ng kaibigan niyang si Matteo Guidicelli dahil sa nag-viral na unboxing video nito ng PS4.

Humamig ng sangkatutak na reaction sa mga gamer ang unboxing ni Matteo, na feeling nila ay hindi dapat sinira ng aktor ang box dahil mababawasan ang value nito.

Anyway, sumakay nga si Nico at ipinakita ang pagkakaiba ng karakter ni Matteo kumpara sa mga normal na tao. Gumawa ng dalawang version si Nico.

Sa una ay inalog-alog nito ang kahon habang nagsasalita at nang buksan na ay basag-basag na ang laman nito.

Ang isa ay may title na “normal people unboxing gifts” na binuksan ng maayos ni Nico ang kahon at isa-isang inilabas ang mga item na buo.

Kahit idinaan ito sa joke, dapat magalit si Matteo sa kaibigan dahil ginawa nitong katatawanan ang mistake niya na hindi naman sadya. (Rey Pumaloy)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/nico-pinagtawanan-si-matteo/)

Walang komento