Recent Posts

Breaking News

Nico binuska si Matteo

Dahil palong-palo ang unang ‘unboxing’ video ni Matteo Guidicelli, naisipan itong gawing-katatawanan ng kanyang kaibigan na si Nico Bolzico.

Sa Instagram, naglabas ng video si Nico ng paghahambing sa umano’y paraan ng “normal people” at ni Matteo sa pag-unbox ng mga regalo.

Maingat ang normal people sa pag-alis ng balot ng isang kahon at dahan-dahang nilabas ang mga laman nito at nilagay sa lamesa.

Samantala, matapos ipakilala ni Bolzico ang sarili bilang si Guidicelli, makaulit na inalog nito ang kahon bago buksan–obvious na in-exaggerate ang paraan ng unboxing ni Matteo.

“No hard feeling Mat! #Bolzicelli,” sey niya pa sa kaibigan.


Matatandaang binatikos ng maraming netizen ang paraan ng pagbukas ni Matteo sa kanyang PlayStation 4.

Wika nila, walang paki sa warranty ang lalaki at ‘careless’ ang pagbagsak nito ng mga bagong gamit sa lamesa.

June 1 in-upload ni Matt ang unboxing video sa YouTube at ngayong June 24, nagtamo na ito ng 11K likes at 60K dislikes.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/nico-binuska-si-matteo/)

Walang komento